Bagong Press Secretary ng White House nakagiriian ang ilang North Korean officials sa pulong nina Trump at Kim

Nakaalitan ni Bagong White House Press Secretary Stephanie Grisham ang mga security staff ng North Korea.

Ito ay sa kasagsagan ng pulong nina US President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong un.

Nangyari ang alitan sa labas lamang ng opisina kung saan nagaganap ang pulong.

Unang nagkaalitan ang mga American reporter at North Korean security.

Makikita sa video na mistulang namamagitan si Grisham pero maging sya ay nabangga-bangga at naipit kaya nagtamo siya ng pasa dahil sa insidente.

Read more...