Sunog sumiklab sa isang bahay sa Bel Air sa Makati

Sumiklab ang sunog sa bahagi ng Commet Street sa Bel Air sa Makati City.

Alas 4:44 ng umaga nang mag-umpisa ang sunog na agad itinaas sa ikalawang alarma makalipas ang ilang minuto.

Isang bahay lamang ang nadamay sa sunog at hindi na ito kumalat pa.

Alas 5:36 ng umaga nang ideklarang under control na ang sunog.

Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy at kung magkano ang halaga ng natupok na ari-arian.

Read more...