Ginebra mataas ang tyansang makasungkit ng playoff spot matapos pataubin ang Alaska
Mas lumalaki ang posibilidad na makasungkit ang Ginebra ng playoff spot makaraang talunin ang Alaska sa iskor na 118-106 sa PBA Commissioner’s Cup sa Araneta Coliseum, Linggo ng gabi.
Balanse ang naging paglalaro ng Gin Kings matapos magtala ng higit 20 puntos ang apat na manlalaro.
Ayon kay Coach Tim Cone, maraming sandata ang Ginebra at hindi lamang si Justin Brownlee.
Ngayon anya ay alam na nila kung paano gagamitin ang mga manlalaro sa pinakamahusay na paraan.
Si Brownlee at Stanley Pringle ay kapwa nagtala ng 27 points habang sina LA Tenorio at Japeth Aguilar ay may tig-22 points.
Gumanda ang standing ng Ginebra sa kartadang 5-4.
Ang Alaska naman ay dumausdos sa 4-5 win-loss record.
Hindi naman madali ang naging sagupaan ng dalawang koponan dahil nagkaroon ng 13 beses na lead changes at six deadlocks.
Nanguna para sa Alaska Aces si Chris Banchero na nagtala ng 29 points na kanyang career-best. / Rhommel Balasbas
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.