Libreng sakay sa mga estudyante sa MRT-3, LRT-2 at PNR simula na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2019 - 06:32 AM

Good news para sa mga estudyante.

Simula na ngayong araw, July 1 ang libreng sakay sa tatlong train lines sa Metro Manila.

Ang libreng sakay sa Metro Rail Transit (MRT-3) Line 3 ay alas-5:00 hanggang alas-6:30 ng umaga at alas-3:00 hanggang alas-4:30 ng hapon.

Sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) naman, ang libreng sakay sa mga estudyante ay alas-4:30 hanggang alas-6:00 ng umaga at alas-3:00 hanggang alas-4:30 ng hapon.

Alas-5:00 hanggang alas-6:00 ng umaga at alas-3:00 hanggang alas-4:00 naman ng hapon ang libreng sakay sa Philippine National Railways (PNR).

Bukod sa mga tren, libre na rin para sa mga estudyante ang terminal fee sa mga paliparan na sakop ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at mga pantalan na pinangangasiwaan ng Philippine Ports Authority (PPA).

Kailangan lamang ng mga mag-aaral na magparehistro para sa isang special ID para maka-avail sa pribilehiyo.

Nauna nang sinabi ng DOTr na makatutulong din ang libreng sakay sa mga tren upang maituro sa mga estudyate ang kultura nang pagiging maagap.

TAGS: dotr, Free Ride, LRT, MRT, PNR, dotr, Free Ride, LRT, MRT, PNR

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.