Bagyong Egay bahagyang humina; Habagat patuloy na magpapaulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan

By Dona Dominguez-Cargullo July 01, 2019 - 05:35 AM

Bahagyang humina ang bagyong Egay habang kumikilos pa-Hilagang Kanluran.

Ayon sa 5am weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyong egay sa 195 kilometers East Northeast ng Aparri, Cagayan o 205 kilometers East ng Calayan, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 40 kilometers bawat oras sa direksyong Northwest.

Nakataas ang public storm warning signal number 1 sa Batanes at Babuyan Group of Islands.

Ang Habagat na pinalalakas ng bagyo ay maghahatid pa rin ng pag-ulan sa Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Antique, Aklan, at western Iloilo.

Kalat-kalat na pag-ulan din ang aasahan sa nalalabi pang bahagi ng Luzon at Western Visayas.

TAGS: egay, Pagasa, Tropical Depression, weather, egay, Pagasa, Tropical Depression, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.