5 katao kabilang ang 2 Australian, nawawala sa gitna ng dagat sa Southern Leyte

By Rhommel Balasbas July 01, 2019 - 05:22 AM

Tatlong Filipino at dalawang Australian ang nawawala matapos lumubog ang kanilang sinasakyang motor banca sa gitna ng dagat sa Hinunangan, Southern Leyte, araw ng Linggo.

Nakilala ang mga nawawala na sina Grahame David Hastings, 60 anyos; Donald o Don Cox, 60 anyos; Jar-r Aradaza, 19 anyos; Serecio Adanza, 40 anyos; at Michael Samatina, 33 anyos.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, nangingisda ang lima nang lumubog ang kanilang bangka.

Umalis ng Barangay Tahusan sa Hinunangan ang mga biktima madaling-araw ng Linggo.

Pero bandang alas-10:00 ng umaga ay naging maalon ang dagat dahilan para lumubog ang bangka sa pagitan ng Hinunangan at Loreto.

Nagawa pang makatawag ng rescue ang isa sa mga biktima pero bandang alas-2:42 ng hapon ay hindi na makontak ang mga ito.

Ayon sa record ng pulisya, pawang mga residente ng Hinunangan ang tatlong pinoy na sina Aradaza, Adanza at Samatina at ang Australian na si Hastings.

Bisita naman ni Hastings si Cox.

TAGS: Hinunangan, motor banca, southern leyte, Hinunangan, motor banca, southern leyte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.