Nagkaroon ng bawas-presyo sa liquefied petroleum gas (LPG) simula alas12:01 kaninang hatinggabi (July 1).
Ang Petron at Phoenix LPG Philippines ay may bawas na P3.40 sa kada kilo ng kanilang cooking gas habang P1.90 naman sa kada litro ng auto-LPG.
Mas mababa naman ang bawas-presyo ng Solane sa P3.36 kada kilo at epektibo simula alas-6:00 ng umaga.
Noong Hunyo ay nagpatupad din ng bigtime rollback sa presyo ng LPG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.