Signal no. 1 nakataas sa Batanes dahil sa Bagyong Egay

By Rhommel Balasbas July 01, 2019 - 12:15 AM

Nakararanas ng mahina hanggang katamtaman hanggang paminsan-minsan ay malalakas na pag-ulan ang malaking bahagi ng Luzon at Visayas dahil sa Habagat na hinahatak ng Bagyong Egay.

Sa 11pm press briefing ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 405 kilometro Silangan-Hilagang-Silangan ng Casiguran, Aurora o 425 kilometro Silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometro bawat oras.

Mabilis ang pagkilos ng tropical depression sa 35 kilometro kada oras sa direksyong Hilagang-Kanluran o patungong Batanes-Taiwan area.

Ayon kay PAGASA weather specialist Aldczar Aurelio, hindi tatama sa lupa ang bagyo dahil inaasahang sa loob ng 24 oras ay hihina ito at magiging low pressure area (LPA) na lamang habang papalapit sa Batanes-Taiwan area.

Sa kasalukuyan ay nakataas ang signal no. 1 sa Batanes.

Ngayong araw ng Lunes, mararanasan ang mahina hanggang sa katamtaman na kung minsan ay malakas na mga pag-ulan sa:
• Metro Manila
• Ilocos Region
• Cordillera
• Central Luzon
• CALABARZON
• MIMAROPA
• Bicol Region
• Antique
• Aklan
• Western Iloilo

Kalat-kalat na pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon at Western Visayas.

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng pagbaha at paggguho ng lupa sa mga mabababang lugar.

Bukod sa Bagyong Egay, isang LPA pa ang binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Huling namataan ang LPA sa layong 465 kilometro Kanluran ng Northern Luzon.

Hindi naman inaasahang papasok ng PAR ang naturang sama ng panahon.

TAGS: #EgayPH, Bagyong Egay, habagat, southwest monsoon, tropical depression egay, #EgayPH, Bagyong Egay, habagat, southwest monsoon, tropical depression egay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.