Writ of Habeas Data ng isang mambabatas, aprubado na ng SC

By Noel Talacay July 01, 2019 - 12:00 AM

Aprubado na ng Korte Suprema ang Writ of Habeas Data na hiniling ni Leyte Representative Vicente Veloso matapos itong mapasama sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing Writ of Habeas Data ay nag-uutos sa ilang national government officials upang ipaliwanag kung bakit kasama ang pangalan ni Veloso sa nasabing listahan.

Ani Veloso, tila nabunutan siya ng tinik nang inilabas ng Korte Suprema ang nasabing kasulatan o writ.

Sinabi rin niya na ito ay “first round victory” pa lang sa kanyang laban sa kontobersiya na ibinabato sa kanya.

Pinag-uutos din ng SC na pagbigyan ang petisyon ni Veloso na sagutin ng mga opisyal ang kanyang mga argumento at magkaroon ng pagdinig ang Court of Appeals sa kanyang kaso.

Ang mga tinutukoy na mga opisyal ay sina Executive Secretary Salvador Mediadea, Interior Secretary Eduardo Ano, Philippine Drug Enforcement Agency Director General Aaron Aquino, Philippine National Police Chief Oscar Albayalde, Armed Forces of the Philippines Chief Benjamin Madrigal, Jr., at National Intelligence Coordinating Agency Director General Alex Paul Monteguado.

Matatandaan na noong March 14, ay pinangalanan ni Duterte si Veloso na umano’y protektor o may direktang kaugnayan sa illegal drug trade.

TAGS: narco list, Supreme Court, writ of habeas data, narco list, Supreme Court, writ of habeas data

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.