Mga sundalong sugatan sa pagsabog sa Sulu pinarangalan

By Noel Talacay July 01, 2019 - 12:00 AM

Pinarangalan ang mga sundalong biktima ng dalawang pagsabog na nangyari sa Sulu.

Isang araw matapos ang kambal na pagsabog sa bayan ng Indanan, personal na binisita ni AFP chief of staff Gen. Benjamin Madrigal ang mga sugatang sundalo para bigyang pagkilala dahil sa kanilang ipinakitang katapangan.

Maliban sa parangal, bibigyan din ng tulong pinansiyal ang mga nasugatang sundalo kasama pamilya ng tatlong sundalong sa nasawi sa nasabing pag-atake.

Ayon kay Madrigal, i-assess din nila ang sitwasyon sa lugar kung saan na nangyari ang pagsabog.

Kasama ni Madrigal sa pagbisita sa Sulu si Maj. Gen. Cirilito Sobejana, ang bagong talagang Wesmincom commander.

TAGS: AFP chief of staff Gen. Benjamin Madrigal, Armed Forces of the Philippines (AFP), Bombing, indanan, Sulu, AFP chief of staff Gen. Benjamin Madrigal, Armed Forces of the Philippines (AFP), Bombing, indanan, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.