Vico Sotto nanumpa na bilang bagong alkalde ng Pasig
Nanumpa na si Vico Sotto bilang bagong alkalde ng Pasig City, araw ng Linggo, June 30.
Sa harap ni Commission on Audit (COA) chairperson Michael Aguinaldo sa Pasig City Sports Center, nanumpa ang 29-anyos na mayor.
Dumalo ang pamilya, kamang-anak at mga supporters ng tinaguriang millennial mayor.
Tinalo ng neophyte Mayor Sotto si dating Pasig Mayor Bobby Eusebio kung saan nagwakas ang 27 taon na paghahari ng Eusebio clan sa lungsod ng Pasig.
Si Vico Sotto ay may lamang sa 70,000 votes laban kay Eusebio sa nakaraang midterm elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.