Remittance center pinasabugan sa Lamitan, Basilan

By Jay Dones December 20, 2015 - 08:39 PM

 

Mula sa google maps

Tinarget ng mga hindi pa nakikilalang suspek ang isang remittance center sa Lamitan, Basilan na pinasabugan ng mga ito, Linggo ng umaga.

Ayon kay Sr. Supt. Oscar Nantes, hepe ng Basilan Police, iniwan ng suspek ang bomba sa harapan ng M. Lhuillier.

Maswerteng walang nasaktan sa pagsabog.

Ayon kay Nantes, posibleng kagagawan ng Abu Sayyaf Group ang pagpapasabog.

Extortion ang isa sa mga anggulong sinisilip ng mga otoridad sa posibleng dahilan ng suspek sa pagpapasabog sa establisimiyento.

Gayunman, posible rin aniyang isang uri ng diversionary tactic ng Abu Sayyaf ang pambobomba matapos mapatay sa isang operasyon noong December 15 ang nasa 20 nilang mga kasamahan sa Al-Barka, Basilan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.