Nanumpa si Moreno kay Chief Justice Lucas Bersamin sa Bulwagang Katipunan ng Manila City Hall, araw ng Linggo, June 30.
Si Moreno ay lamang ng 100,000 na boto laban kay dating Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada sa nagdaang midterm elections.
Kasama rin sa nanumpa ang running mate ni Moreno na si Honey Lacuna bilang reelected Vice Mayor.
Nanumpa rin ang mga bagong halal na konsehal sa iba’t ibang distrito ng Maynila na pinangasiwaan ni Executive Judge Virgilio Macaraig.
MOST READ
LATEST STORIES