US President Trump muling inimbitahan si NoKor leader Kim
Ipinahayag ni US President Donald Trump ang kagustuhang makaharap muli si Noth Korean leader Kim Jong Un.
Ayon kay Trump, ginagawan na ng paraan para magharap muli sila sa ikatlong pagkakataon ni Kim.
Hindi naman issue kay Trump kahit saglit lang sila magkita, Aniya, magkamay lang sila ay isang malaki at mahalagang bagay na.
Sa post sa Twitter ni Trump, inimbitahan niya sa Kim sa gagawing G20 summit sa Japan at kahit sa may Demilitarized Zone o DZM ng Korea.
Pahayag pa niya, sasamahan siya ni South Korean President Moon Jae-in sa DMZ para lang makamayan muli si North Korean President Kim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.