Malakanyang, bwineltahan si Carpio sa pahayag nito laban kay Pangulong Duterte

“Hindi ka nag-iisip.”

Ito ang naging bwelta ng Palasyo ng Malakanyang sa pagbatikos ni Senior Associate Justice Antonio Carpio sa thoughless at senseless na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakasaad sa 1987 Constitution na Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang pahayag ng pangulo na thoughtless at senseless ang pagkunsidera sa probisyon na hindi tinitingan ang pagkalahatan.

Habang binibigyan aniya ng konsitusyon ng obiligasyon ang gobyerno na bigyan ng proteksyon ang minerals, natural at marine resources ay kailangan muna na pangalagaan ang kapakaan ng buong bansa at ng mga Pilipino.

Iginiit pa ni Panelo na kapag sinunod ng Pangulo ang payo na maging agresibo ang Pilipinas at magpadala ng armadong barko o armadong personnel sa WPS, ilalagay lamang nito sa panganib ang bansa dahil tiyak na magkakabarilan at magkakapatayan lamang ang tropa ng Pilipinas at China.

Bwelta pa ni Panelo, ano pa ang bibigyang proteksyon ng Pangulo kung patay na ang mga Pilipino.

Malinaw aniya ang nakasaad sa saligang batas na tungkulin gng pangulo na pangalagaan ang bayan at bigyang proteksyon ang taong bayan.

Read more...