2 b-52 bomber ng Amerika, lumipad sa artificial islands ng China

 

Inquirer file photo/AP

Inakusahan ng China ang Estados Unidos na sadyang nagpapasimuno ng tensyon sa South China Sea matapos na maglapid ng dalawang b-52 bomber sa ilang artificial island sa lugar kamakailan.

Gayunman, iginiit ni Pentagon Spokesman Mark Wright na hindi nila intensyon na ‘asarin’ ang China nang lumipad ang dalawang American planes sa ibabaw ng mga aritificial islands ng China noong December 10.

Paniniwala ni Writght, posibleng nawala lamang sa kanyang original flight plan ang dalawang bomber o na- off-course lamang nang mga panahong iyon.

Regular aniyang nagpapalipad ng mga training mission ang Estados Unidos sa sa Asya kabilang na ang South China Sea.

Kasalukuyan na aniya nilang sinisiyasat ang pangyayari.

Samantala, giit naman ng China, patuloy nilang igigiit ang kanilang sovereign claim sa South China Sea.

Hinihiling din ng Defense Ministry ng China sa Washington na agad na gumawa ng mga kaukulang hakbang upang hindi na maulit ang pangyayari.

Una rito, noong December 10, naalarma ang puwersa ng China at nagtaas ng alerto nang makita ang dalawang B-052 bomber na lumilipad sa isa sa mga artificial islands.

Nagbigay din ng mga kaukulang babala ang Chinese military sa naturang mga eroplano na agad lisanin ang lugar.

 

Read more...