Kiefer Ravena, sabik na makabalik sa basketball court

Nasasabik na muling makabalik ang basketball player na si kiefer Ravena dahil dalawang buwan na lang ang natitira para matapos ang kanyang 18 buwang suspensyon sa paglalaro sa Philippine Basketball Association (PBA).

Para kay Ravena ay napakatagal ng naturang 18 buwan sa suspensiyon.

Aniya pa, sa loob ng 18 buwan na walang basketball ay mahirap para sa kanya.

Pahayag pa ng 25-year-old na manlalaro na hindi lang ang basketball ang inalis sa kaniya kundi pati ang kanyang kanyang pinagkakakitaan.

54 days na natitira bago siya makabalik kung kaya’t inihayag nito na walang makakapigil sa kaniya upang maglaro muli sa pinakamamahal niyang sport na basketball.

Matatandaan nasuspende si Ravena matapos lumabas sa kanyang medical exam na gumagamit umano ito ng mga banned substances para sa isang manalalaro.

 

Read more...