Dalawang lalaki arestado matapos mahulihan ng baril sa Navotas

By Noel Talacay June 30, 2019 - 01:16 PM

Timbog ang dalawang lalaki sa ang ginawang opreasyon ng pulisya kaugnay sa iligal na pagbebenta ng mga hindi lisensyadong baril.

Nakilala ang mga suspek na si na John Daniel Pardales, 24-anyos, at Renato Panganiban, 42-anyos, na parehong residente ng Navotas City.

Nakuha sa mga suspek ang limang pirasong kalibre .45 na baril, mga bala at tatlong pirasong maliliit na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P5,000.00.

Ayon sa pulisya, banadang alas 9:30, Sabado ng gabi, June 29, isinagawa ang operasyon sa Barangay NBBN sa nasabing lungsod kung saan nila nakuha ang ulat tungkol sa bentahan ng mga iligal na baril.

Pero base sa paunang ulat ng Navotas Police, hindi nila inaasaahan na makakakuha sila ng ipinagbabawal na droga sa mga suspek.

Patung-patong na mga kaso ang kakaharapin ng mga suspek sa pagsaagawa ng mga iligal na transaksyon.

TAGS: maliliit na sachet na hinihinalang shabu, Navotas Police, maliliit na sachet na hinihinalang shabu, Navotas Police

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.