Ayon kay Director Arsenio Andolong, tagapagsalita ng DND, nakikiramay sila sa mga pamilya at mga naging biktima ng marahas na insidente kung saan walong katao ang naiwang patay at 22 ang sugatan.
Dagdag pa ni Andolong, ipinababatid lamang nito ang importansya ng pagtutulungan sa pagpapanatilin ng kapayapan sa bansa.
Sinabi niya na bilang isang bansa, nararapat na matibay ang paninindigan na sugpuin ang mga masasamang loob na humahadlang sa pagkamit ng katahimikan sa naturang lugar .
Ani Andolong, hindi umani titigil ang otoridad hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang lahat ng mga nabiktima ng suicide bombers.