DND, patuloy ang imbestigasyon sa insidente sa Indanan, Sulu
Nangako ang Department of National Defense (DND) na ipagpapatuloy nila ang masinsinang imbestigasyon sa kung sinong nasa likod ng pangbobomba sa kampo ng militar sa Indanan, Sulu noong June 28.
Ayon kay Director Arsenio Andolong, tagapagsalita ng DND, nakikiramay sila sa mga pamilya at mga naging biktima ng marahas na insidente kung saan walong katao ang naiwang patay at 22 ang sugatan.
Dagdag pa ni Andolong, ipinababatid lamang nito ang importansya ng pagtutulungan sa pagpapanatilin ng kapayapan sa bansa.
Sinabi niya na bilang isang bansa, nararapat na matibay ang paninindigan na sugpuin ang mga masasamang loob na humahadlang sa pagkamit ng katahimikan sa naturang lugar .
Ani Andolong, hindi umani titigil ang otoridad hangga’t hindi nabibigyan ng hustisya ang lahat ng mga nabiktima ng suicide bombers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.