Tropical depression Egay, walang epekto sa pag-ulan bansa—Pagasa
Hindi nakaaapekto ang tropical depression Egay sa mga pag-ulang nararanasan ng bansa ngayon ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ang pagbuhos ng ulan ay dulot anila ng hanging habagat na kasalukuyang nararanasan sa bansa.
Huling namataan ang sentro bagyo sa 810 kilometro silangan ng Daet, Camarines Norte na may 55 kilometro kada oras na hangin at pagbusong 65 kilometro kada oras.
Matindi ang mga nagiging pag-ulan na sa kanlurang Bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila.
Wala namang itinaas na storm signal warning para sa mga lalawigan at hindi rin maglalandfall ang bagyo.
Inaasahang makalalabas ang naturang bagyo Martes ng gabi, July 2, o kaya naman’y sa Miyerkules ng madaling araw, July 3.
Pinag-iingat naman ng Pagasa ang mga mamamayan sa mga posibleng flashfloods at landslides na dulot ng pag-ulan na dala ng habagat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.