P15M marijuana bricks, nakumpiska sa Kalinga
Nasamsam ang nasa P15 milyong pisong halaga ng marijuana bricks sa ikinasang buy-bust operation sa Tabuk City noong Biyernes, June 28.
Nakuha ito ng Kalinga Police at Philippine Drug Enforcement Agency o (PDEA) sa apat na suspek kabilang na ang isang 23 anyos na criminology student.
Ayon sa pulisya, galing ang 100 kilo ng iligal na droga sa Cyrus drug syndicate na nagrarasyon sa mga kalapit na lalawigan at pati na rin sa Metro Manila.
Inaani umano ng mga suspek ang tanim na marijuana sa bayan ng Tinglayan sa nasabing probinsya.
Marunong din umano ang mga ito ng paggawa ng oil mula sa dahon ng marijuana para magamit sa mga e-cigarettes at vape.
Paliwanag ng estudyanteng kasama sa mga nahuli, binayaran lang siya upang magmaneho at hindi niya alam na may kontrabandong dala.
Mahaharap ang mga hindi pinangalanang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.