Pagasa, nagpaalala sa mga pagbahang maaaring idulot ng bagyong Egay

By Clarize Austria June 30, 2019 - 08:05 AM
Naglabas ng abiso ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) para sa mga posibleng pagbaha sa tatlong rehiyon dulot ng pagpasok ni bagyong Egay kaninang alas 6:00 ng umaga.   Sa general flood advisory na inilabas, pinag-iingat ang mga nasa residente malapit sa ilog sa:   Central Luzon na makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan at pagkulog sa:   – Bataan (Balanga at Moron) – Zambales (Panatawan, Sto. Thomas, Bucau, Bancul, at Lawis).   Region 4-A, magkakaroon ng katamtamang pag-ulan na may pagkulog sa:   – Cavite (Laboc, Cañas, Ilang-Ilang, Imus) – Laguna (Pagsanjan, Pila-Sta Cruz, San Juan at San Cristobal)   – Rizal (Upper Marikina at Kaliwa) – Batangas sa (Lian, Banabang-Molino, Pansipit, Kapumpong, Rosario Lobo, at Upper Bolbok)   Region 4B, bahagya at katamtamang naman buhos ng ulan sa:   – Oriental Mindoro (Malaylay-Baco, Pulang Tubig, Mag-asawang tubig, Butas, Pula, Agsalin, Bansud, Samagui, Bongabon, Bulalacao, at Balete) – Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Cagaray, Labangan, Magbando, Lunintao, Anahawin, Monpong, Amnay, Pola, Pagbahan, Mamburao, at Ibod) – Palawan (Abongan, Lian, Barabakan, Rizal, Caramay, Langosan, Babuyan, Bacungan, Iwahig Penal, Ingauan, Aborlan, Malasgao, Apuruan, Baton-Baton, Aramayaman, Ihawig, Panitian, Pulot, Lamakan, Kinlungan, Eraan, Tiga Plan, Malabangan, Ilog Bansang, Conduaga, Culasian, Iwahig (Brookes), Okayan, Canipan, at Busuanga, Coron)   Pinaalalahanan naman ng Pagasa ang lahat ng maging alerto at imonitor ang lagay ng panahon sa kani-kanilang lugar.

TAGS: Bagyong Egay, general flood advisory, Pagasa, Philippine Atmospheric, Tropical Depression, Bagyong Egay, general flood advisory, Pagasa, Philippine Atmospheric, Tropical Depression

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.