Ilang kalsada sa Maynila isasara kasunod sa panunumpa ni Isko Moreno

Hindi madaraanan ang ilang kalsada sa lungsod ng Maynila alinsunod sa gaganaping panunumpa ni Mayor-elect Francisco “Isko” Moreno Domagoso ngayong Linggo, June 30.

Base as abiso ng Manila Police District, sarado simula alas 7:00 ng umaga ang mga daanan sa:

– Westbound lane ng P. Burgos mula Finance Road hanggang Taft Avenue
– Northbound lane ng Taft Ave mula Ayala Boulevard hanggang N.A. Lopez.

Ang mga alternatibong ruta na itinalaga ng MPD ay:

– Mga sasakyan mula Roxas Blvd. at Bonifacio Drive na nasa eastbound lane ng P. Burgos dapat dumeretso sa Finance Rd. dumaan sa Taft Avenue papuntang Ayala Blvd

– Mga sasakyan na nasa northbound lane ng Ma. Orosa papuntang P. Burgos dapat kumanan sa Finance Rd.

– Mga sasakyan sa northbound lane ng Taft Ave. papuntang Quiapo area kumanan sa Ayala Blvd

– At ang mga nasa westbound lane ng Finance Road papuntang Quiapo area kumaliwa sa P. Burgos, kumanan Bonifacio Drive, kumanan muli sa A. Soriano, at kanan sa Magallanes Drive

Read more...