Coach Boyet, kumpiyansa na mananalo sa NCAA

By Clarize Austria June 30, 2019 - 07:24 AM

Kampante si San Beda Red Lions head coach Boyet Fernandez na malaki ang kanilang tyansa na madepensahan ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) men’s basketball title.

Ito ay sa kabila ng pag-alis ng dalawa niyang manlalaro na sina Robert Bolick at Jayvee Mocon.

Sa pag-alis naman ng dalawa, pumalit bilang lider ng kupunan ang dalawang taon pa lang na nasa Red Lions na sina Evan Nelle at James Canlas.

Ayon kay Fernandez, napatunayan na ng dalawa ang kanilang sarili nang magpakita ng maayos na laro sa nakalipas na FilOil preseason championship.

Dagdag pa niya, ang dalawa ang sagot sa rival ng San Beda sa Lyceum of the Philippines na sina JV at JC Marcelino.

Nagsusuot si Nelle at Canlas ng bandana habang naglalaro bilang pagpapakita ng kanilang matinding samahan sa loob ng court.

TAGS: head coach Boyet Fernandez, Lyceum of the Philippines, National Collegiate Athletic Association (NCAA) men's basketball, San Beda Red Lions, head coach Boyet Fernandez, Lyceum of the Philippines, National Collegiate Athletic Association (NCAA) men's basketball, San Beda Red Lions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.