2 sugatan, 6 na bahay natupok ng sunog sa Sampaloc, Maynila

By Clarize Austria June 30, 2019 - 05:31 AM
Sumiklab ang apoy sa isang residential area alas 11:23 kagabi sa Sampaloc, Maynila kung saan tinupok nito ang anim na bahay.   Ayon sa imbestigasyon ng Manila Fire Department, nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Lilibeth Litonwa.   Dalawang katao ang nasugatan na nakilalang sina Bernabe Balani at Louie Christopher Rabuwan.   Sunod din ang dalawang sasakyang nakaparada sa labas ng bahay at aabot sa P300,000 ang halaga ng natupok na ari-arian.   Nahirapan ang mga remisponde na bumbero na pasukin ang lugar dahil sa sikip ng daanan dulot ng mga sasakyang iligal na nakaparada.   Umabot ang sunog sa ikalawang alarma at naideklarang fire out ng alas 12:49 ng madaling araw.

TAGS: Dalawang katao ang nasugatan, manila fire department, residential area, Dalawang katao ang nasugatan, manila fire department, residential area

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.