Chel Diokno, binatikos si Duterte sa pahayag nito ukol sa Konstitusyon

Kinondena ng Human Rights Lawyer na si Chel Diokno ang pangmamaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Konstitusyon ng bansa.

Ito ay matapos ihayag ng Pangulo na sasabihin ng China sa kaniya na gamitin ang 1987 Constitution bilang ‘toilet paper’ kung ipanlalaban ito sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Diokno, hindi nararapat na tawaging presidente si Duterte dahil galing sa konstitusyon ang pwestong hawak nito na tinatawag niyang pamahid ng puwet.

Dagdag pa niya, hindi na maaaring tawaging pangulo ng 16 na milyong Pilipino na bumoto kay Duterte dahil binabasura nito ang 1987 Constitution.

Aniya, wala ng ginagalang na batas si Duterte maliban sa nanggagaling sa kaniyang bibig.

Diin pa niya na imbis na pangulo ay tawagin na lamang emperador na hubad at huwad ang Pangulo.

Si Chel Diokno ay isa sa mga senatorial bets ng “Otso Deretso” na hindi pinalad manalo noong nakaraang 2019 midterm elections.

Read more...