Ilang lalawigan sa Luzon, makararanas ng pag-ulan ngayong Linggo
Nakakaranas ng bahagya hanggang sa katamtamang ulan ang ilang lalawigan sa Luzon ngayong umaga, June 30.
Sa pinakahuling inilabas na rainfall advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kaninang alas 2:00 ng madaling araw, uulanin ang probinsya ng Pampanga, Zambales, Bataan at Bulacan.
Ito ay dulot ng Southwest Monsoon na nararanasan ngayon sa bansa.
Pinag-iingat naman ng ahensya ang publiko at nag-abisong patuloy na magbantay sa lagay ng panahon.
Nakatutok naman ang Disaster Risk Reduction Management Offices sa magiging lagay ng panahon sa mga susunod na oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.