Death toll sa bagyong Nona, 45 na ayon sa NDRRMC

Inquire file photo

Umakyat na sa 45 ang death toll ng Bagyong Nona, habang zero casualty naman sa bagyong Onyok.

Ayon sa NDRRMC, posibleng madagdagan pa ang casualties mula sa bagyong Nona habang aabot sa 25 ang sugatan at anim ang nawawala.

Aabot naman sa dalawang bilyong piso ang halaga ng nasira sa seckor ng agrikultura at imprastraktura, resulta pa rin ng bagyong Nona.

Sinabi ng NDRRMC na sa ngayon, nasa 65,000 na pamilya ang apektado ng Nona, o katumbas ng 300,000 na katao.

168,000 na bahay naman ang nasira ng Nona, kung saan 44,000 ang totally damaged samantalang 23,000 ang partially damaged.

Sa kabila ng matinding epekto ng Nona, iisang bahay lamang ang nasira ng Bagyong Onyok sa Surigao Del Norte.

Gayunman, may ilang kalsada ang impassable o hindi madaanan dahil sa landslides at baha dulot ng Onyok.

Read more...