Basura na itinapon sa Pilipinas, dumaong na sa Canada

By Clarize Austria June 30, 2019 - 12:56 AM

Dumating na sa Canada ang barkong may lulan ng mga basurang itinapon sa Pilipinas, Sabado ng umaga oras sa Canada.

Naibalik na ang mga ito matapos manatili sa Manila Port ng halos kalahating dekada.

Ayon sa lumabas na ulat, dumaong na ang M/V Bavaria may dala ng 69 containers ng basura sa Vancouver port.

Umalis ang nasabing cargo ship sa Pilipinas noong May 31 base sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na isauli na ang mga ito sa Canada.

Dadalhin umano ang mga naturang basura sa waste-to-energy na pasilidad ng naturang bansa.

Matatadaang dumating sa Pilipinas ang 103 containers na may bigat na 2,500 tonela ng basura noong 2014 at 2015 kung saan idineklara ito bilang “recyclable plastic scraps.”

Ang 34 naman sa mga nasabing containers ay maayos na naitapon ng Bureau of Customs (BOC).

Exceprt:

TAGS: 103 containers na may bigat na 2, 500 tonela ng basura, Bureau of Customs, M/V Bavaria, Manila Port, Vancouver port, 103 containers na may bigat na 2, 500 tonela ng basura, Bureau of Customs, M/V Bavaria, Manila Port, Vancouver port

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.