Pagtanggal ng langis mula sa tumaob na cargo vessel sa Cebu, pansamantalang itinigil
Hindi muna itinuloy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglilipat ng langis mula sa tumaob na barko sa San Fernando port sa Cebu City noong June 25.
Ayon kay Lieutenant Junior Grade Michael Encina ng PCG Central Visayas, nasipsip na 30,000 litro ng langis mula sa kanang bahagi ng M/V Eva Mary Grace.
Ani Encina, bagamat nailipat na ang ilnag litro ng langis sa M/V Morning Breeze, pansamantalang itinigil ang operasyon upang masiguro na ligtas ito bago kuhanin ang nasa kaliwang tank ng tumagilid na barko.
Naglagay na rin ang mga otoridad ng oil spill booms sa paghahanda ng maaaring oil spill dulot ng langis na kasalukuyang nasa brrko.
Iniimbistigahan na rin ng Maritime Industry Authority (MIA) sa Central Visayas ang naturang insidente kung saan 12 tauhan ng barko ang nasugatan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.