97 Chinese nationals, 8 dayuhan, huli sa Biñan, Laguna

By Clarize Austria June 29, 2019 - 10:51 PM

Arestado ang 97 chinese nationals at walong pang dayuhan sa ikinasahang raid ng Bureau of Immigration (BI) sa opisina ng isang Business Processing Outsourcing (BPO) company sa Biñan, Laguna.

Kasama sa mga nahuling nagtatrabaho ng walang kaukulang papeles ang isang 17 anyos na dalagita.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, ang dalagita ay illegal na dinala sa bansa upang magtrabaho sa naturang call center company.

Bukod sa mga Chinese nationals, nadakip din ang apat na Indonesians, tatlong Malaysians, isang Vietnamese at Laotian.

Sinugod ng mga otoridad ang naturang opisina dahil sa mga suplong na kanilang natanggap mula sa mga mamamayan.

Giit naman ni Sandoval na klarong nilabag ng 106 na illegal aliens ang batas na hindi maaring magtrabaho ng walang working visa o permit ang mga ito.

Kasalukuyan namang nasa kustodiya ng BI ang mga hinuli habang inaayos ang kanilang deportasyon.

Inirekomenda naman ng ahensya na ibigay ang dalagitang nahuli sa mga magulang nito ngunit maaaring paalisin sa bansa kapag napatunang sangkot sa iligal na pagtatrabaho.

TAGS: 106 na illegal aliens, Biñan Laguna, Bureau of Immigration, Business Processing Outsourcing (BPO), Chinese Nationals, laguna, 106 na illegal aliens, Biñan Laguna, Bureau of Immigration, Business Processing Outsourcing (BPO), Chinese Nationals, laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.