Dating drummer ng bandang Guns N’ Roses isinugod sa ospital nang saksakin ang sarili

By Marlene Padiernos June 29, 2019 - 08:12 PM

INDIANAPOLIS, IN – MAY 19: Steven Adler of Adler’s Appetite performs at The Vogue on May 19, 2011 in Indianapolis, Indiana. (Photo by Joey Foley/Getty Images)

Agad na isinugod sa pagamutan si Steven Adler, former drummer ng bandang Guns N’ Roses, nang madiskubre ng kanyang kasamahan sa bahay ang pananaksak mismo nito sa sarili.

Agad na tumawag sa 911 ang nasabing kasambahay na nirespondehan naman ng mga otoridad.

Sa pagdating ng pulisya ay nakitaan nila ng tama ng saksak sa bahaging tiyan si Adler.

Sinasabing nasa ilalim ng impluwensya ng ipinagbabawal na gamot si Adler nang gawin nito ang insidente.

Matatandaang taong 1990 nang sibakin ang nasabing drummer sa bandang Guns N’ Roses dahil sa pagkalulong nito sa droga.

 

TAGS: former drummer ng bandang Guns N' Roses, pananaksak mismo nito sa sarili, Steven Adler, former drummer ng bandang Guns N' Roses, pananaksak mismo nito sa sarili, Steven Adler

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.