‘No balance billing’ sa mga ospital sa Region 1, bantay sarado sa PhilHealth

By Marlene Padiernos June 29, 2019 - 07:44 PM

Kaugnay sa implementasyon ng ‘No Balance Billing Policy’, bantay sarado ang mga tanggapan ng PhilHealth sa mga pribado at pampublikong pagamutan sa buong Region 1.

Sinabi ni Joseph Manuel, OIC head ng Public Affairs Unit ng PhilHealth Region 1, na mayroong nakarating sa kanila na may isang malaking ospital sa lalawigan ng Pangasinan na mababa ang isinasagawang implementasyon ng ‘No Balance Billing Policy’ na agad naman nilang nagawan ng paraan upang maiwasan ng mga pasyente na bumili pa ng gamot sa labas ng pagamutan.

Base naman sa binabatayan nilang survey report, ang mga provincial hospitals sa buong rehiyon kabilang na ang Pangasinan ay mayroong mataas na porsyento ng pagsunod sa nasabing polisiya.

Agad naman nilang tinatawagan ng pansin ang pamunuan ng isang pagamutan sa tuwing nakakatanggap sila ng report na may mababang pagpapatupad ng nasabing polisiya.

Ang No Balance Billing Policy ay kautusang mula sa gobyerno na ipinapatupad din ng Department of Health (DOH) kung saan ay walang kailangang bayaran na kahit ano ang bawat miyembro ng isang pamilya, indigent, sponsored, senior citizen, life time members at mga legal dependents kapag sila ay na-admit sa isang wardtech accommodation sa isang pampublikong pagamutan.

 

TAGS: Department of Health, No Balance Billing Policy, philhealth, Department of Health, No Balance Billing Policy, philhealth

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.