Seguridad sa Western Mindanao mas hinigpitan dahil sa pambobomba
Inilagay na sa full alert status ang buong pwersa ng militar sa Western Mindanao.
Ito ay kasunod ng naganap na pagpapasabog sa military camp sa Indanan, Sulu kahapon na nagresulta sa kamatayan ng walo katao kabilang na ang ilang mga sundalo.
Sinabi ni Maj. Arvin Encinas, tagapagsalita ng Western Mindanao Command na mahigpit ang utos ng mga military officials sa lugar na maging handa sa mga kahalinulad na insidente.
Hindi rin inaalis ng mga otoridad na posibleng mga kasapi sa Abu Sayyaf Group ang nasa likod ng pagpapasabog na kagagawan ng dalawang suicide bombers.
Nauna dito ay isinailalim na rin kagabi sa full alert status ang buong pwersa ng Philippine National Police dito sa Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.