Mga Pinoy sa Tunisia pinag-iingat dahil sa terror attack
Pinapayuhan ng Department of Foreign Affairs ang mga Filipino sa Tunisia na maging mapagmatyag at mag-ingat kasunod ng dalawang pagsabog sa nasabing bansa.
Nangyari ang pagsabog sa Rue de Charles de Gaulle malapit lamang sa embahada ng France sa bayan ng Tunis kung saan isang pulis ang nasawi at marami ang nasugatan.
Sinundan ito ng isa pang pagsabog sa al-Qarjani district kung saan pinasabog ng suicide bomber ang bomba malapit sa pwesto ng national guard.
Sa datos ng DFA ay mayroong 94 na Filipino sa Tunisia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.