Death toll sa Indanan, Sulu bombing umakyat na sa walo

By Jimmy Tamayo June 29, 2019 - 11:36 AM

Inquirer photo

Umakyat sa walo katao ang nasawi sa nangyaring pagsabog sa kampo ng militar sa Sulu Biyernes ng hapon.

Naganap ang pag-atake sa pansamantalang kampo ng Philippine Army First Brigade Combat team sa Barangay Kajatian.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines-Western Mindanao Command Spokesperson Major Arvin Encinas,  tatlo sa mga nasawi ay sundalo habang tatlo pang sibilyan ang namatay at ang dalawang suspek na may dala ng bomba.

Nasa 12 naman ang nasugatan sa insidente.

Naniniwala si Philippine Army spokesman Lieutenant Colonel Ramon Zagala na walang ibang hangarin ang pambobomba kundi guluhin ang mahigpit na seguridad at ang military operation sa lugar.

Nauna nang sinabi ng military na posibleng mga kasapi ng Abu Sayyaf Group ang nasa likod ng nasabing pag-atake.

Kagabi ay inilagay na rin sa full alert status ang buong pwersa ng pulisya sa Metro Manila dahil sa nasabing pagpapasabog sa Sulu.

Samantala, naglabas rin ng pahayag ang Islamic State na nagsabing sila ang gumawa ng pag-atake sa naturang military camp.

TAGS: Abu Sayyaf, blast, indanan, is, Philippine Army, PNP, Sulu, Abu Sayyaf, blast, indanan, is, Philippine Army, PNP, Sulu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.