Prostitusyon problema pa rin sa Boracay ayon sa DSWD
Isang malaking problema pa rin ang protitusyon sa isla ng Boracay ayon sa Department of Social and Welfare Development (DSWD).
Patunay lamang na namamayagpag sa nasabing tourist’s spot ang pagkakasagip sa tatlumpu’t tatlong kababaihan noong buwan ng Abril at ang pagkaka-aresto sa apat na bugaw.
Sinabi ni Anna Karla Villanueva, Secretariat ng Regional Inter-Agency Committee against Trafficking and Child Pornography at Violence Against Women and their Children (VAWC) ng DSWD-6 na tuloy ang kanilang pagmomonitor sa isla ng Boracay hingil sa nasabing iligal na gawain.
Ipinaliwanag rin ni Villanueva ay tinutulungan nilang makapagbagong buhay ang mga naaaresto sa mga isinasagawa nilang operasyon sa pamamagitan ng pag- alok ng mga bagong trabaho sa ilalim ng mga programa ng ating pamahalaan.
Ngunit sa kabila nito ay may ilan pa ring pinipili na bumalik sa dati nilang trabaho dahilan para mahirapan ang DSWD at VAWC na sugpuin ang nasabing prostitusyon sa isla.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.