Dalawang pagyanig ang naitala sa Surigao del Sur madaling araw ng Sabado.
Ayon sa Phivolcs, ala-1:51 ng madaling araw ng tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa layong 70 kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Lingig.
May lalim itong isang kilometro.
Makalipas ang halos isa’t kalahating oras, eksakto alas-3:13 ay magnitude 3.6 naman ang tumama sa layong 79 kilometro Hilagang-Silangan pa rin ng Lingig.
May lalim naman itong anim na kilometro.
Tectonic ang pinagmulan ng dalawang lindol at hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian.
Wala ring inaasahang aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.