Pinakamataas na temperatura sa kasaysayan ng France naitala, umabot sa 45.9C

AP photo

Naitala na ang pinakamataas na temperatura sa kasaysayan ng France, araw ng Biyernes, sa 45.9 degrees Celsius, sa gitna ng malawakang heatwave sa Europe.

Naitala ang naturang temperatura sa bayan ng Gallargues-le-Montueux.

Nalampasan ng temperatura kahapon ang record na 44.1 degrees noong 2003 na nakaranas din ng heatwave na kumitil ng libu-libong buhay.

Ayon kay French Health Minister Agnes Buzyn, nanganganib ang lahat dahil sa sobrang tinding init.

Sa isang pahayag, sinabi ni Prime Minister Edouard Philippe na kada araw ay may naitatalang kaso ng pagkalunod dahil sa hydrocution na dulot ng init ng panahon.

Sa ngayon ay nakataas ang red alert sa apat na lugar sa Southern France.

Bukod sa France, naitala na rin ang highest June temperatures sa Germany, France, Poland at Czech Republic habang sumiklab naman sa Spain ang wildfire.

 

Read more...