SolGen nais pigilan si Carpio na makilahok sa deliberasyon ng West Philippine Sea case
Hiniling ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Korte Suprema na magdesisyong i-inhibit si Senior Associate Justice Antonio Carpio na lumahok sa deliberasyon ng petisyong humihimok sa gobyerno na pangalagaan ang marine resources sa West Philippine Sea.
Sa isang pahayag, sinabi ng OSG na dapat mag-inhibit si Carpio sa Writ of Kalikasan petition dahil sa kanyang ‘personal bias’ at ‘partiality’.
Nauna nang sinabi ni Carpio na hindi siya mag-iinhibit sa deliberasyon ng writ of kalikasan.
Ito ang dahilan kung bakit ang Supreme Court en banc na ang pinagdedesisyon ng OSG.
Iginiit ng OSG na dapat hindi sumali sa deliberasyon si Carpio dahil naging bahagi ito ng mga kinatawan ng bansa na humawak sa kaso ng Pilipinas sa mga pagdinig sa International Arbitral Tribunal.
Ayon sa OSG, may conclusion at prejudgment na si Carpio bago pa man ipresenta ng petitioners ang kaso.
“As evidenced by his active participation in the South China Sea (SCS) Arbitral Proceedings and his continuing public pronouncements against the actions taken by the government in relation to the SCS Arbitral Award,” ayon sa OSG.
Nakasaad umano sa New Code of Judicial Conduct ang diskwalipikasyon ng isang mahistrado kapag hindi ito nakapagdesisyon sa isang isyu ng walang pinapapanigan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.