Julia Barretto at Joshua Garcia balik sa pagiging ‘best friends’

By Len Montaño June 29, 2019 - 03:07 AM

Mula sa magkasintahan ay balik “best friends” muna sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Kinumpirma nina Julia at Joshua na may pinagdadaanana ang relasyon nila ngayon.

Matapos ang ilang buwang tsismis ay kinumpirma na rin ng tambalang “JoshLia” na sa ngayon at best friends muna at hindi magkasintahan ang kanilang status.

Ayon kay Joshua, gaya ng normal couple ay may pinagdadaanan lamang sila ngayon ni Julia.

Masaya naman daw ang dalawa sa kanilang desisyon pero sa ngayon ay balik best friends muna sila.

Pero nilinaw ni Julia na hindi third party ang dahilan ng pagbabago sa kanilang relasyon ni Joshua.

Pahayag ito ng aktres sa gitna ng pagka-link nito kay Gerald Anderson na kanyang leading man sa pelikulang “Between Maybes.”

Ayon kay Julia, parang kuya na niya si Gerald.

Sa panig naman ni Joshua, sinabi nito na hindi totoo ang pagka-ugnay niya sa isang talent ng kabilang network.

 

TAGS: best friends, Between Maybes, Gerald Anderson, JoshLia, Joshua Garcia, Julia Barreto, loveteam, may pinagdadaanan, third party, best friends, Between Maybes, Gerald Anderson, JoshLia, Joshua Garcia, Julia Barreto, loveteam, may pinagdadaanan, third party

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.