Sa huling bahagi ng laro ay ipinamalas ng Phoenix ang puso para talunin ang Barangay Ginebra sa score na 111-103 Biyernes ng gabi.
Ito na ang ikaapat na panalo ng Phoenix sa PBA Commissioner’s Cup.
Nakabangon ang Fuel Masters mula sa 12 points na lamang ng Gin Kings sa first half at tuluyang nanalo sa natitirang 5 minuto ng laban.
Si Justin Brownlee ang nagdala sa Ginebra sa huling kwarter sa ginawa nitong 21 points pero nasilat ito sa ginawa ng Phoenix.
Tumira si Matthew Wright ng three points ilang segundo matapos ang sariling three-pointer ni Brownlee, dahilan para lumamang ang Fuel Masters sa score na 102-98 sa natitirang 4:27 ng laro.
May oras pa sana ang Ginebra para makahabol sa nalalabing 1:40 ng laro pero ilang blunder ang nangyari.
Tinawagan si Scottie Thompson ng five-second violation sa natitirang 51:9 seconds na sinundan ng putback ni Jason Perkins na hindi na box out ni Japeth Aguilar kaya nanatiling lamang ang Phoenix.
Nanalo ang Fuel Masters kahit na-eject si head coach Louie Alas dahil sa ilang beses na pakikipag-away sa mga referee.
Dahil sa panalo, nasa 4-4 na ang kartada ng Phoenix, tabla sa Ginebra at Alaska para sa ikalimang pwesto.