AFP: Suicide bombers posibleng nasa likod ng pag-atake sa Sulu

By Rhommel Balasbas June 29, 2019 - 01:43 AM

Contributed photo by Chao Tiao Yumol

Posibleng dalawang suicide bombers ang responsable sa insidente ng pagpapasabog sa military camp sa Indanan, Sulu na ikinasawi ng tatlong sundalo.

Sa pahayag ni Armed Forces Western Mindanao Command spokesperson Major Arvin Encinas Biyernes ng gabi, ang unang bomber ay nagpasabog ng bomba matapos tangkain ng tatlong camp guards na siya ay hanapin.

Ang tatlong mga sundalo ay nasawi.

Ang ikalawang umatake ayon kay Encinas ay nakalusot sa camp guards at agad na pinasabog ang kanyang bomba matapos ang unang pagsabog.

Sa ikalawang pagsabog na ito  ay nasugatan ang 12 katao.

Nauna nang sinabi ng military official na pinaghihinalaan ang Abu Sayyaf na nasa likod ng pag-atake dahil sa kapareho nitong mga aktibidad sa rehiyon sa nakalipas.

 

TAGS: abu sayyaf group, AFP, indanan, Major Arvin Encinas, military camp, pagsabog, suicide bombers, Sulu, Western Mindanao Command, abu sayyaf group, AFP, indanan, Major Arvin Encinas, military camp, pagsabog, suicide bombers, Sulu, Western Mindanao Command

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.