2 gwardya sugatan sa pagsabog ng drum sa Manila

By Len Montaño June 29, 2019 - 12:04 AM

Credit: Manila Police District

Dalawang gwardya ang nasugatan matapos sumabog ang ginawa nilang improvised na tangke ng tubig sa Ermita, Manila araw ng Biyernes.

Second degree burns ang natamo ni Ricky Gallego habang nasugatan sa paa ang kasamahan nito.

Ang mga biktima ay parehong gwardya sa isang establisyimento sa Gedesco Building.

Ayon kay Police Lt. Col. Igmedio Barmaldez, Ermita Police Station commander, pinagdugtong ng mga biktima ang dalawang plastic drum para maging tangke ng tubig.

Gumamit sila ng lighter para uminit at lumambot ang isang drum at nang mabilis na maidugtong ang isa pang plastic drum pero sumabog ito.

Ayon sa Explosive Ordnance Disposal ng Manila Police District (MPD), ang mga drum ay mayroong fumes ng fruit extract distillate kaya sumabog ito nang mainitan.

 

TAGS: drum, Ermita, Explosive Ordnance Disposal, gwardya, improvised, manila, Manila Police District, second degree burns, sugatan, sumabog, tangke ng tubig, drum, Ermita, Explosive Ordnance Disposal, gwardya, improvised, manila, Manila Police District, second degree burns, sugatan, sumabog, tangke ng tubig

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.