Wanted sa kasong murder arestado sa QC

QCPD photo

Timbog ang isang lalaki na may kasong murder matapos ang ginawang operasyon ng Quezon City Police.

Nakilala ang suspek na si Mark Lester Ang, 26-anyos at residente ng Bagong Pag-asa Quezon City na may warrant of arrest sa kasong Murder.

Nangyari ang operasyon alas-8:45, Huwebes ng hapon, June 28, sa bahay ng suspek.

Ayon sa Quezon City Police, nagsagawa ng follow up operation laban kay Ang matapos silang makatanggap ng impormasyon sa kinaroronan nito.

Hindi naman pumalag at maayos na sumama ang suspek sa mga otoridad.

Matapos ang physical and medical examination sa Quezon City General Hospital ay dinala na sa presinto ang suspek.

 

Read more...