8 patay sa aksidente sa NLEX

By Angellic Jordan, Len Montaño, Noel Talacay June 29, 2019 - 05:00 AM

Philippine Red Cross photo

(2nd UPDATE) Umabot na sa walo ang patay at walong iba pa ang sugatan sa naaksidenteng bus sa North Luzon Expressway (NLEX) Biyernes ng gabi.

Ayon kay Police Col. Carlito Garces, Valenzuela City Police Chief, anim na katawan ang inisyal na narekober sa bus ng Buena Sher Transport Corp na may plakang AGA 8610 habang dalawang iba pa ang sunod na nasawi.

Dinala naman ang mga nasugatan sa Manila Center University Hospital at Valenzuela General Hospital.

Sa paunang ulat ng Valenzuela Police, maulan at madulas ang daan, dahilan para tumagilid ang isang pampaseherong bus na papuntang Sta. Maria Bulacan.

Sumalpok ang bus sa concrete barrier saka ito tumawid sa southbound lane ng NLEX.

Maliban dito, may nadamay na isang SUV at isang Pick-up.

Sa mga larawan at videos sa social media, makikita ang aksidente sa bahagi ng NLEX Valenzuela exit.

Sa tweet naman ng NLEX Corporation, apektado ng insidente ang parehong lane ng expressway alas 7:00 pa lamang ng gabi.

Agad naman tumugon sa aksidente ang NLEX patrol, Valenzuela Ambulance at Police.

Dakong 10:50 ng gabi ay naitabi na ang bus sa gilid ng expressway.

Nagdulot ng matinding trapik ang insidente kaya pinayuhan ang mga motorista na iwasan ang lugar.

Ang mga motorista na biyaheng Balintawak ay maaaring lumiko o dumaan sa Mindanao Exit o mga alternatibong kalsada.

Samantala sinabi sa Radyo Inquirer ni Roberto Biardo, operations manager ng Buenasher Transport Corporation, sagot ng insurance ang mga gastos sa ospital ng mga biktima at lahat ng pasahero nila ay may automatic na insurance.

Magbibigay din ng tulong ang kumpanya sa iba pang biktima.

Hinihintay ng bus company ang resulta ng imbestigasyon ng pulisya bago sila gumawa ng susunod na hakbang para naman sa driver ng bus.

 

TAGS: 8 patay, aksidente, bus, NLEX, Torres Bugallon, tumagilid, 8 patay, aksidente, bus, NLEX, Torres Bugallon, tumagilid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.