Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, ang unang pagyanig ay may lakas na magnitude na 4.2 at may lalim na 25 kilometers bandang 3:04 ng hapon.
Dahil dito, naramdaman ang intensity 4 sa Rosario, Lapaz at Talagocon sa Agusan Del Sur habang intensity 3 naman sa Tagbina, Surigao Del Sur.
Makalipas ang ilang minuto, tumama ang magnitude 3.4 na lindol at may lalim na 7 kilometers dakong 3:53 ng hapon.
Naramdaman naman ang intensity 2 sa Rosario at La Paz, Agusan Del Sur.
Samantala, yumanig ang magnitude 3.6 na may lalim na 5 kilometers bandamg 6:12 ng gabi.
Wala namang naiulat na napinsala o nasugatan sa nasabing lindol.
Ayon sa Phivolcs, walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.