2 drug suspects, patay sa buy-bust operation sa Nueva Ecija

By Angellic Jordan June 28, 2019 - 08:08 PM

Patay ang dalawang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation sa Bongabon, Nueva Ecija Biyernes ng madaling-araw.

Ayon sa pulisya, naunang nagpaputok ng baril ang mga suspek na sina Ruel Magisa at William Chioco laban sa pulis na nagsilbing poseur buyer sa operasyon sa Barangay Cruz bandang 2:45 ng madaling-araw.

Maswerte namang hindi tinamaan ang pulis.

Gumanti ng putok ng baril ang pulis na naging dahilan ng pagkasawi ng dalawa.

Narekober ng pulisya sa mga suspek ang dalawang caliber 38 revolver, 11 pakete ng hinihinalang shabu at ginamit na marked money sa operasyon.

TAGS: buy bust operation, ilegal na droga, nueva ecija, buy bust operation, ilegal na droga, nueva ecija

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.