Masbate Provincial Health Office itinanggi na may ipinatupad silang travel at trade restrictions dahil sa hinihinalang kaso meningococcemia
Itinanggi ng Provincial Health Office (PHO) sa Masbate na mayroong ipinatupad na travel at trade restrictions matapos ang hinihinalang kaso ng meningococcemia.
Ayon kay Dr. Oscar Acuesta, officer-in-charge ng PHO Masbate, hindi pa kumpirmadong meningococcemia ang ikinasawi ng pitong taong gulang na estudyante sa bayan ng Cataingan.
Dahil dito, maituturing pa aniya ito bilang isang isolated case.
Samantala, sinabi ni Acuesta na binigyan na ng prophylaxes ang lahat ng nakalapit sa biktima.
Na-fumigate na rin aniya ang silid-aralan sa Emilio S. Boro Central School, bahay ng biktima at ospital para maiwasan ang pagkalat ng hinihinalang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.